Wednesday, November 15, 2006

risk!!!! ano ba to?

imbes na nagsusulat ako ng ipepresent ko sa finals ng spanish class ko sa viernes e nagliligalig ako dito! (ayaw gumana ng utak ko e!)

sa totoo lang, bigla lang pumasok sa isip ko tong salita na to! sabi kase sa "business" mas malaki raw yung risk ng negosyo, mas malake raw ang "profit". (mukang totoo naman). pero kung iaanalyze nyo... risky talaga ang buhay:

1. di mo ba inisip kung matutulog ka... e kung di ka na magising!
2. yung matagal mo nang kaibigan... tapos nain-lab ka.. sasabihin mo ba?
3. dami mo na award sa hospital, kilala k n ng co-workers mo for 2 years, lilipat ka pa ba ng states?!
4. yung pag iinom k ng beer.. tapos uuwi ka.. di b risky yun?
5. yung sasagot ka s klase, pero di mo alam kung tama o mali ka.. di ka b sasagot para lang di mapagtawanan?

ay dami pang sampol... pero kung iisipin mo, yan ang nagpapasarap sa buhay, yung pagharap mo sa consequences!

e ano ba:
1. matutulog ako ng mahimbing, basta ang alam ko masya ko ng gabi nato? katabi ko pamilya ko, di baleng di na magising.
2. kung di ko ba pinagtapat sa kaibigan ko dati na "inlab ako sa kanya" de wala akong masayang pamilya at kyut na anak ngayon.
3. di ko alam kung ano ang mangyayare sa paglipat ko ng state of NEVADA, pero isa lang alam ko, sabi ng ng aking mabait na NINONG JOE (asawa ng tita melly ko) "there is no wrong decision, only poor" pero you have to face the concequences and learn to rise from failures. o di ba! hanggang ngayon yan pa rin ang prinsipyo.

pero teka, bat madrama??.... e kase.. anxious lng po sa paglipat!

mabuhay ang mga taong, ineenjoy lang ang buhay... mabuhay silang di natatakot harapin ang salitang RISK! mabuhay ka tol!

Monday, October 02, 2006

bakit ganun???

ay eto na namn sana ang time ng pagyayabang pero baket kaya ganun? parang ang hirap naman gawen:

>una- binigyan ako ng award last thursday, peer recognition and work ethics achuchu! me plake at gift certificate, dahil outsanding daw yung work ethics n pinakita ko sa night shift. pero hindi ko kinuha ng personal sa awarding ceremony. baket??? sinabi ko dun sa manager n." mas maraming matagal na sa hospital na deserving makakuha ng award, na hardworking rin naman" baka pedeng sa kanila n lang ibinigay. alam nyo na, tama na yung naka post yung picture ko sa website nila, he. he...... sobra na ata to, baka pagmulan p ng ingget ang kapirasong kahoy! anyway, salamat na ren at narecognize ang pinoy dito sa ohio!

>2nd game namin ng basketbol dito sa hospital, panalo kame last time.. pero this time ibang level. malalake at puro egoy ang kalaro. they didnt even know me, kala nga nila panggulo lang ako e. pero when i started making the shots, 3 points at 2 points mejo binantayan na nila ko. i made like more than 15 points, di n masama playing with egoys no?!!! ang masaket di ako makapagyabang kase, naagaw yung huling pasa ko ... NATALO kami by 2 points..... HU...HU.. HU! pero okay lang at least nakilala nila ko, sabi nga nung coach nung kalaban during crucial minutes... "GET no. 7, GET no. 7" o di ba! number ko yun!

>alam yo bang highest ako sa first exam namin sa spanish class?! ESTUPENDO! sabi nung prof, kala konga estupido e! kaso hirap ipagyabang dahil letters and numbers tsaka konting phrases lang, e lam namn naten yun di ba? pero ang maganda dun, tumaas namn ang pagkakakilala nung mga klasmeyts ko e! he. he

langya parang hindi nganakapagyabang ano?? nahirapan p ko nun! he. he

Enjoy life mga kafatid!

Wednesday, September 13, 2006

carpe diem!!! seize the day!

i just watched (again) Dead Poets Society yesterday, napakatagal na kase nito! pero napakagndang movie, ika nga e.. one of the best movies....sa mga kaedad ko.

kung titingnan nyo yung message, TIMELESS!...Seize the day! make your lives extra-ordinary..... talagang tatamaan ka. lalo na kung idealistic ka.

anyway, bat ko ba sinulat to?? actually, nasa crisis ako.. tipong should i stay or should i go! gusto ko kasing lumipat at itry ang california, pero gusto ng wifey ko s ohio,mura raw yung bilihin, bahay, utilities at kung anu-ano pa dito sa ohio! not to mention n mejo narerecognize n yung filipino s hospital namen! (ehem ehem, nasa website nga ko ng hospital e.. YABANG!) pero eto yata ako...mas sinasabi nilang mahirap lumipat,lalo n sa california... parang mas nachahalenge ako!

haaay buhay... hirap mag-decide, pero pag inisip mo.. maigse lang ang buhay..... CARPE DIEM! bakit di subukan.. pano ko mako- compare ang isang bagay kung walang pagkukumparahan.... di ba? ayokong dumating yung araw na matandang-matanda na ko tapos tska ko sasabihin na.. SAYANG, SANA SINUBUKAN KO? sinabi ko sa sarili ko na, kung lilipas man ang panahon ko sa lupa... ay yung wala naman ako ng panghihinayangan! pag tinanong ako s kabilang buhay.. ano ang ginawa ko sa buhay ko? isa lang ang isasagot ko: PINAGYAMAN ko po ang talento at buhay n ibinigay nyo, nakita nyo po yan sa lahat ng sitwasyon na ibinigay nyo....AKO PO AY NAGING MASAYA!ano ba to?.... morbid! paumanhin po.. ito po ay isang pansariling kwento ng sumulat. me karapatan po kayong tawanan ang nilalaman!

SEIZE the day! make your life extraordinay!

ENJOY LIFE!

Tuesday, September 12, 2006

'como te llama?

mi nombre es ARIEL AVILA, Como estas?

langya... first day ko sa SPANISH CLASS.. mejo boring dahil alfabeto at numero pa lang at ilang salita ang pinag-aralan... na alam natin dahil mixed ng spanish at ng iba pang lenguahe ang filipino(tagalog).

anyway, sana lang e makaraos ako ulet dahil napakahaba ng tatlo at kalahating oras na aralin. at matuto sana kong maging fluent, lam mo na baka kailanganin ko to someday!

adios, amigos y amigas!

disfrutar vida!

Wednesday, September 06, 2006

chicago again!

sa wakas.... nagkita na kami ng matagal ko ng bespren... si JOSIE.... aka TANE!
tagal na rin siguro mga anim na taon..buti n lang me liga sa chicago yung NABA. North American Basketball Association... mga ex PBA.. katulad ni Guidaben, Villamin, Menk, Hatfield, Mike Otto, Bryant Punzalan at marami pang iba.

kasamaang palad... TALO kami! pero okay lang.. NAIENJOY naman namin ng husto yung laro. next year sana mas malalaki yung kakmpi ko.

Nkapasyal pa kami ng mahal kong misis at anak... kasama si BETH at MARLON ang kaibigan kong adik rin sa Basketbol!

he. he.

Ganyan lang ang buhay... mabilis lumipas... kayadapat laging Masaya, kahit anong sitwasyon!

chicago happenings!

Wednesday, August 23, 2006

everyday prayer!

working in a huge ER is really difficult & challenging. my anxiety level is overwhelming, not to mention the thing that pushing me to work harder to prove them that i can cope up with the american nurses.

with this kind of burden, i usually start my work with this prayer:

"Oh, that you would bless me and enlarge my territory! Let your hand be with me, and keep me from harm so that I will be free from pain."

yes my friends, this is so familiar because this is Jabez's prayer, i started praying this when i was in st. lukes... and it has been very effective.

at the same time, i used to ask God for an EASY JOB, but then i realized that there was no easy area in a level 1 trauma center. after 3 consecutive days of horrible duties, i changed it : LORD dont give me an EASY JOB, JUST GIVE ME ENOUGH COURAGE, STRENGTH AND FAITH IN YOU TO MAKE this JOB EASIER.....and it works.

....... if you think your burden is too big for you, dont forget that you have a BIGGER ALLY!

Ad Majorem Dei Gloriam!

EL!

Saturday, August 12, 2006

WAG MAGTIPID!

langya, sinubukan kong magpagupit s 4.75 na barber shop dahil mura. sabi ko bawasan lang ng konte.... PERO ang NANGYaRE... KONTI LANG ANG ITINIRA!

kaya sa susunod, wag nyong tipirIN ang sarile lalo na kung magpapaganda.... buti na lng BAGAY sa ken ANG MUKANG TANGA!..... he. he.

ang misis ko naman tuwang-tuwang dahil, muka daw akong totoy (totoy BATO).... yung iba naman GRADE VI (teacher ng grade VI), langya... promise sa susunod hindi na ko magtitiped! magbabayad na ko ng 20 dollars.

ienjoy n lang ang bagong ichura! hindi na magbabago to no... unless magpaplastic surgery!

ayie3